Sa isang tagpo sa buhay ni Hesus, makikita natin na binalaan niya ang mga bayang pinagpakitaan at ginawan niya ng himala (Mt. 11:20-24). Bakit kaya ganito na lamang ang pagkabahala ng ating Panginoon? Bakit tila baga "naghigpit" siya at ipinakita niya ang kanyang paghusga?
Kaalaman ang nagpapalaya sa tao mula sa tanikala ng kamangmangan. Sa pamamagitan nito, nakapag-iisip at nakapagdedesisyon tayo nang naaayon sa katotohanan at katuwiran. Kaya nga patuloy ang ating mithiin na alamin ang mga bagay-bagay sa mundo sa tulong ng edukasyon. Ito ang kaibahan natin sa ibang mga nilalang ng Diyos. Tayo lamang ang may kakayahan na umalam at magnilay. Dahil sa kakayahang ito, inaasahan sa atin na tuklasin ang kalooban ng Diyos na kusa Niyang ipinapamalas.
Nakakalungkot lamang isipin na sa panahon ngayon kung saan talamak at abot-kamay ang iba't ibang impormasyon ay marami pa rin ang walang kaukulang kaalaman sa pananampalatayang kanilang tinanggap. Marahil ay bunga na rin ito ng kakulangan ng mga magulang at ng Simbahan. Subalit malaki rin ang gampanin at tungkulin ng bawat isa hinggil sa kanilang sarili. Hindi puwedeng ibaling na lamang parati ang sisi sa iba o dili naman ay tinatamad. Lalong hindi puwedeng gawing dahilan ang pagiging ignorante. Malaki ang kaibahan ng pagiging inosente at pagiging ignorante. Ang una ay ang kalinisan ng budhi samantalang ang pangalawa ay ang kawalan ng karunungan.
Hindi na dapat tayong magtaka kung bakit nababahala ang Panginoon. Ang sa Kanya lamang ay dapat nating gawin ang mga bagay na nauukol sa ating pagiging tao: maarok ang daan, katotohanan, at ang buhay na walang iba kundi ang ating Panginoong Hesukristo. Malaki ang inaasahan sa atin ng Diyos.