Thursday, 2 April 2015

Buti pa ang mga bata

Kanina habang natulong ako sa pagluluto ng tanghalian, mayroong dalawang bata na naglalaro sa aming refectory (kainan). Ang saya-saya nilang naglalaro. Hindi nila alintana ang oras at kung may gagawin sila. Nasabi ko tuloy sa aking sarili, buti pa ang mga bata, laro lang ng laro. Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Naglalaro lang din ako at walang inaalala sa buhay. Gusto ko tuloy bumalik sa pagiging bata. Biruin niyo, college student pa lang ako ngunit nais ko nang bumalik sa pagkabata. Lahat halos ng tao lalo na ang mga matatanda ay nais bumalik sa pagiging bata. Ngunit, sa totoo lang, nais lang nating tumakas sa mga responsibilidad at paghihirap na kaakibat ng ating edad. Takot lang tayong harapin ang mga pagsubok at hamon ng buhay. Pero ating Panginoong Hesus ay hindi nagpadala sa Kanyang takot na mamatay sa krus. Tinanggap Niya ito. Nais lamang iparating sa atin ng Panginoon na ang ating buhay sa mundo ay isang pagtuklas: pagtuklas sa kalooban ng Diyos. Kasabay sa pagtuklas na ito ay ang pagtalima. Kung talagang mahal natin ang Diyos, walang dahilan upang matakot tayo sa mga responsibilidad na ibinigay Niya sa atin. Buti pa ang mga bata, walang inaalintana pero dahil sila'y inosente pa pero mas mabuti sa ating mga nakatuklas na sa isang nagmamahal na Diyos.

Mga batang nagpakuha sa akin ng litrato. Naglalaro sila sa may tabi ng lawa
sa Lungsod ng Calamba.

No comments:

Post a Comment