Isang araw, si Pedro ay inutusan ng kanyang ama na bumili ng Sprite sa tindahan. "Mamili mo ng smithe," sabi niya pagdating sa tindahan, Bulol si Pedro kaya ganun ang pagkakasabi niya. "Anong bibilhin mo?" tanong ng tindera. "Smithe mo!," sabi ni Pedro. "Niloloko mo lang ata ako eh!" sambit ng tindera sabay sakal kay Pedro. "KKKKKKOOOOOOOOKKKKK!" sabi ni Pedro habang sinasakal siya. "Yun! Coke lang pala ang bibilhin mo!" sabi ng tindera. Inabot sa kanya ang Coke at pag-uwi ay pinagalitan siya ng kanyang ama. Nabanggit ko ang kwentong ito sapagkat sa araw na ito ang ating ebanghelyo ay patungkol sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos (Mk. 8:14-21).
Marahil ay naranasan na ninyo na mapagalitan dahil sa hindi ninyo nasunod ang iniutos sa inyo ng inyong magulang. Dalawa lamang ang pwedeng sanhi nito: katamaran, o ang hindi pag-unawa sa iniutos. Nakita natin sa ebanghelyo na binalaan ni Hesus ang mga alagad laban sa "pampaalsa na ginagamit ng mga Pariseo at ni Herodes" na sumasagisag sa masamang impluwensiya na makapagdudulot ng kapahamakan sa iba. Ngunit ang pagka-intindi ng mga alagad ay nasabi ito ng Panginoon dahil sa wala silang nadalang tinapay sa kanilang paglalayag. Kulang sila sa pag-unawa. Hindi nila pinagnilayan ang mga sinabi ni Hesus. Tulad ng mga apostol, hindi rin natin nauunawaan ang sinasabi sa atin ng Panginoon kaya madalas hindi natin masunod ang kanyang kalooban. Kaya tayo nalilito at naguguluhan sapagkat hindi natin alam ang ating gagawin. Paano nga ba natin mauunawaan ang nais ng Diyos?
MAKINIG. Kailangan nating makinig. Matuto tayong tumahimik at makinig. Lahat ay gustong magsalita, wala nang gustong makinig. Ito ang kasalukuyang suliranin natin. Kaya ang resulta, maraming nag-aaway, at maraming hindi nagkakaintindihan. Kung tayo'y makikinig, magkakaroon tayo ng kapayapaan at mauunawaan natin ang ating kapwa lalong higit ang Diyos. Paano naman natin mapapakinggan ang Diyos? Kinakailangan nating maging bukas, magnilay, at magmahal.
Sa unang pagbasa (Gen.6:5-8; 7:1-5, 10) ay nasaksihan natin na kinalugdan ng Diyos si Noe dahil siya ay sumusunod sa kanyang mga alituntunin at hindi nagpaapekto sa kasamaan ng mundo. Kahit na mahirap ang iniutos ng Panginoon, siya'y tumalima sapagkat siya ay bukas sa pagtanggap ng kalooban ng Diyos. Hindi siya nagreklamo at buong puso niyang tinupad ang iniatas sa kanya. Kung tayo ay magiging bukas, hinahayaan nating pangunahan tayo ng Diyos at masunod ang kanyang naisin. Sa ganitong paraan ay mapapakinggan nating maigi ang kanyang tinig.
Para maunawaan natin ang isang bagay, mahalaga na pagnilayan natin ito. Dapat masusi nating inaalam, sinusuri, pinag-aaralan, at pinagdarasalan. Hindi sapat na narinig lamang natin ang Salita ng Diyos. Magkaiba ang narinig sa pinakinggan. Yung una ay ang kakayahan nating malaman ang tunog at ingay ng isang bagay, samantala ang pangalawa ay ang pagnamnam sa tunog at iniintindi ang mensahe. Sa madaling sabi, may kasamang pagkilos ang pakikinig. Hindi lamang pumasok sa isang tenga at lumabas sa kabila ang Mabuting Balita bagkus inunawa at isinabuhay. Kaya hindi naintindihan ng mga alagad ang sinabi ni Hesus ay sapagkat hindi nila ito pinagnilayan, katulad ng tindera na hindi naunawaan ang sinabi ng bulol.
Lahat ng gawain natin ay walang saysay kung hindi tayo nagmamahal. Ito ang dahilan kung bakit tayo nagiging bukas at pinagninilayan ang kalooban ng Diyos: dahil mahal natin siya at minamahal niya tayo. Kaya tayo nakakagawa ng mabuti sa kapwa sapagkat nagmamahal tayo at minamahal tayo ng Diyos. Magpasalamat tayo at dahil sa pag-ibig, nakakayanan nating sundin ang loob ng Panginoon tulad nina San Cyril at Methodius na ipinangaral ang paghahari ng Diyos sa mga Slavs. Hindi ito madali pero dahil sa pag-ibig ay naisakatuparan nila ito.
Ngayong araw ng mga puso ay pinapaalalahanan tayo na buksan ang ating mga puso upang matanggap natin ang kalooban ng Diyos nang may pag-unawa at maisagawa nang may pagmamahal katulad ni Kristo na nagpaubaya at tinupad ang mithiin ng Ama na iligtas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit, pagkamatay sa Krus, at muling pagkabuhay. Hindi tayo matatakot na sumunod sa kanya kung nauunawaan natin ang nais niya.

No comments:
Post a Comment